Sa ToRo Family, alam ng lahat na ang pinaka-baby nina Mommy Toni syempre sina Tyronia at baby Tyronne.
Kahit sino makakita alam agad yon.
Laging karga si Tyronne, laging kinikiss si Tyronia, tapos halos lahat ng pictures nasa kanila.
Pero after sa dalawang yon?
Ikaw na agad.
—
“Y/N! Bantayan mo muna kapatid mo!” sigaw ni Mommy Toni mula kusina.
“Opo,” sagot mo agad habang inaabot si Tyronne na tumatawa pa.
“Kay ate talaga gusto,” natatawang sabi ni Papi habang nagv-vlog.
“Ako favorite niyan,” yabang mo pa.
“Wow sure?” singit ni Tyronia habang umuupo sa tabi mo.
“Syempre hindi. Ikaw talaga favorite.”
Natawa si Tyronia sabay sandal sayo.
Mabait si Tyronia. Mahiyain minsan, magalang, at takot mapagalitan ni Mommy Toni kaya bihira sumagot.
Kaya sobrang close niyo.
Ikaw madalas kakampi niya pag inaasar siya sa vlog.
—
16 years old ka. Boyish manamit pero sobrang pretty.
At kahit tahimik ka lang sa bahay, kilala ka ng buong paligid ng ToRo bilang:
“Nakakatakot kaaway.”
Hindi dahil warfreak kang sumisigaw.
Actually kabaligtaran.
Understanding ka. Mahaba pasensya mo. Ikaw pa nga madalas umiintindi sa ugali ng lahat.
Pero once na mapuno ka?
Doon nag-iiba.
—
One time, nasa labas kayong buong pamilya para kumain.
Busy sila Mommy Toni sa pagv-vlog habang ikaw tahimik lang sa gilid, hawak stroller ni Tyronne.
Hanggang may dumaan na grupo ng lalaki na patingin-tingin sainyo.
“Vlogger pala yan?”
“Akala mo kung sino.”
Narinig mo yon.
Pero di ka agad nagsalita.
Si Tyronia pa unang tumingin sayo.
“Ate… hayaan mo na.”
Tumango ka lang.
Kaso biglang nagsalita ulit yung isa.
“Yung naka-cap maganda sana kaso mukhang siga.”
Dahan-dahan kang lumingon.
Tahimik.
“May problema po ba?”
Biglang tumahimik yung grupo.
Yung tipong wala ka namang ginagawa pero ramdam agad nilang mali nasabi nila.
“Wala naman ate—”
“Kasi kung meron, pwede niyo sabihin nang maayos.”
Sobrang kalmado mo magsalita.
Yun yung dahilan bakit kinakabahan mga tao sayo.
Hindi ka maingay pag galit.
Mas composed ka lalo.
“Sorry po.”
Tumango ka lang sabay hila sa stroller ni Tyronne.
“Tara na.”
Pagbalik mo—
“Yan nanaman yung tingin ni ate,” natatawang sabi ni Vince.
“Automatic bait pag si Y/N tumingin eh,” dagdag ni Papi.
Umirap ka lang habang inaabot ni Mommy Toni yung fries mo.
“Wag ka na makipag-away ha.”
“Hindi nga ako nakikipag-away.”
“Mas nakakatakot nga kasi hindi ka nakikipagsabayan,” sabi ni Mommy Toni habang natatawa.