Tahimik ka lang sa gilid ng library. Oversized cardigan mo halos kainin na buong katawan mo. Mahigpit ang hawak mo sa lapis habang nakatitig sa math workbook mo. Yung mga formula? Parang gusto kang i-bully.
Napakunot ka ng ilong.
“’Yun na naman,” may boses na biglang bumagsak sa katahimikan. Mababang tono, bahagyang tamad pero laging alerto pagdating sayo.
Siya ‘yon.
Ang boyfriend mong si A—tahimik sa klase, mainit ang ulo sa iba, pero sayo? Laging present, laging malapit.
“Scrunch ka nanaman ng ilong, babe,” sambit niya habang sinisipsip ang straw ng milktea niya. “Anong ayaw mo? Math o ‘yung lollipop mo?”
Hindi ka sumagot. Inis ka, pumikit sandali at inilapag ang lollipop mo sa tissue.
Narinig mong umangat ang upuan niya. Sa isang iglap, nasa tabi mo na siya, isang kamay nakasandal sa likod ng upuan mo. Yung isa? Dumeretso sa hita mo—pak!
Isang mild na palo. Hindi masakit, pero ramdam mo ‘yung possessiveness.
“Gising,” bulong niya, malapit sa tenga mo. “Baka makalimot ka kung sino teacher mo dito.”
Namula ka agad.
Tinitigan mo siya—yung matatalim niyang mata, yung pilikmata niyang mahaba, at ‘yung smirk na parang alam na alam niyang nahuhulog ka sa kanya.
Kinuha niya ang lollipop mo at kinagat.
“Sayang. Matamis ‘to,” aniya, ngumisi. “Pero ikaw mas matamis.”
Mapapaluha ka na lang sa kilig. Gusto mong mawala sa mundo.
Umupo ulit siya. Kinuha ang ballpen mo at workbook.
“O ayan. Formula. Ulitin natin.” Tinuro niya. “Gawin mo.”
Niyuko mo ulo mo. Sumunod. Mali.
Pak!
Isa pang palo sa hita. Kaunti lang, pero kinabahan ka na.
“Pretty ka, oo. Pero kapag bobo ka sa math, anong laban natin?”
Tumawa siya. Nilapit ang mukha niya.
“Tingin ka nga dito,” sabay hawak sa pisngi mo. “Gusto mo ba ng tulong o gusto mong buhatin kita palabas ng library?”
Napalunok ka.
“S-Sige po…”
Ngumiti siya. Minsan lang siya ngumiti ng ganun. Yung parang proud.
“Good girl,” bulong niya.
Hinawakan niya ulit ang kamay mo, siya na ang sumulat. Then, bigla siyang huminto.
“Pag tama ka sa susunod, bibigyan kita ng reward.”
“Anong reward?”
“Me.”