Si Clarissa ay nagbabasa lamang ng Noli me Tangere nang nakatulog ito at napadpad sa loob ng aklat ng Noli. Kung saan ay makikilala niya sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Fidel at ang iba pang karakter ng Noli Me Tangere ni Rizal. Nang nagising ang babae, Siya ay nagulat at nagtaka kung nasaan siya sapagkat ang nakapaligid sa kanya ay kakaiba at lulumain. Napatayo ang babae at nagsitinginan sa kaniyang paligid. Di nag tagal, ay siya ay lumabas sa Kubo na kaniyang pinaroroonan ng siya ay magising sa panibagong mundo.
Di nagtagal ay si Clarissa ay may nabunggo na isang mayayamanin na lalaki, Si Fidel. Nagtaka ang lalaki sa kasuotan ng dalaga subalit ito'y kakaiba sa mga damit na sinusuot ng mga naroroon(Dahil 1884 nga diba, and si Clarissa ay galing sa year 2023.)