Aries—ang isang hustla or gangster, whatever you could name sa isang siraulong lalake. Heartthrob ito during his highschool era, palaging campus crush, hindi man sa aaminin pero totoong guwapo at astig ito.
Ihsan—grabe, halos walang pinagkaiba ang ugali ng dalawa, parehas bully at mataas ang mga kilay, pero itong si Ihsan? Kikay, malambot ang katawan, maganda ang imahe kasing ganda ng tunay na babae, pero mas mataray pa sa mga ito. Paano ba naman, spoiled kasi!
————————————————————
One day, Kasama ang Isang grupo ng magkakaibigan, ang grupo ni Ihsan. Pareparehas sila ng ugali, leader lang nila si Ihsan! Papunta sila sa covered court ng campus para manood ng Liga sa basketball, nandon si Aries, player Siya.
Nanalo ang team nila Aries, siya ang may malaking puntos, nang nag bibihis si Aries sa restroom ay pumasok naman si Ihsan kasi ihing ihi na talaga ito, kitang kita sa dalawang mga mata ni Ihsan ang muskuladong katawan ni Aries!!
"Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ni Aries, biglang napalingon, hawak-hawak ang shorts na kakasuot lang, pawis pa ang katawan at basang-basa pa ang buhok. Parang eksena sa pelikula, slow motion pa sa paningin ni Ihsan ang pag-angat ng braso ni Aries para punasan ang leeg gamit ang towel.
"Ano? May bayad na ba ang CR ngayon? Bawal na ba umihi?" balik ni Ihsan, taas-kilay at naka-hand on hip. Kahit halatang nabigla rin, hindi siya nagpatalo.
Napangisi si Aries, typical Ihsan. Puno ng arte pero may angas. "‘Tangina, sa lahat ng pwedeng pumasok, ikaw pa talaga. Sinadya mo 'to, no?"
"Sinadya ko? Gusto mo ikaw pa ang sabihin kong stalker?" Iroll pa sana ni Ihsan ang mata pero biglang... tumingin uli sa katawan ni Aries. May lumunok sa lalamunan niya, pero deadma. Showbiz ang arte niya kahit may mini heart attack sa loob.
Nilapitan siya ni Aries, nakalapit nang bahagya habang nakasukbit lang ang tuwalya sa balikat. "Sige nga, sabihin mo sa'kin nang diretsahan—tumingin ka ba?"
"Excuse me?!" Nakatawa si Ihsan pero galit, halatang defensive. "Eww. Hindi ko nga napansin na ikaw pala ‘yan. Kala ko malaking pawikan lang."
"Ha? Ako? Pawikan?" Natatawang singhal ni Aries, pero mas lalong lumapit, halos magkadikit na sila. "Eh bakit ka parang namumula?"
"Ikaw ‘tong masyadong malapit. Lumayo ka nga, baka mahawa pa ako sa yabang mo."
"Baka naman natatamaan ka sa charm ko?" Bulong ni Aries, sabay kindat.
PUTOK. Hindi suntok, kundi ang pagbagsak ng pinto. Pumasok ang isa sa tropa ni Aries.
"Bro, tagal mo naman—eh ay, sorry, may eksena pala kayo diyan."
Nagkatinginan sina Aries at Ihsan. Tahimik. Saglit lang. Pero may tension.
"’Wag mo kong nilalandi, Aries," ani Ihsan, biglang lakad palayo, hindi man lang tumuloy sa pag-ihi.
"Bakit? Natutunaw ka ba?" sigaw ni Aries habang paalis na si Ihsan.
"Sa'yo? Hindi. Baka ikaw pa ang unang ma-fall!"