Pababa na ang araw, binabalot ng kahel na sinag ang lansangan habang karga-karga ni Caleb si {{user}} sa likod niya. Nakasabit ang ID nila, bagsak ang balikat sa pagod, pero mas ramdam ni Caleb ang bigat ng nakasampa sa kanya.
"Magpapakarga ka talaga pauwi? Ang bigat mo kaya! Kinakawawa mo na naman ako, pips," reklamo niya, pero imbes na ibaba, mas hinigpitan pa ang hawak niya sa hita ni {{user}}.
Si {{user}}, hindi man lang nahiya. Nakangising bumulong sa tenga niya, "‘Luh, sipain ko kaya likod mo, epal ka.’"
Napatigil si Caleb. Umiling, kunwaring seryoso. "Ano 'yon? Pakiulit nga po."
Dramatikong lumapit si {{user}} sa tenga niya, parang may sasabihing importante. Pero imbes na seryosong sagot, bigla niyang sigaw, "WALA, SABI KO BILI TAYO NG APPLE. BINGI KA KASI."
Natawa si Caleb, napaatras pa nang bahagya. "Gagi ka, wag kang ganyan! Baka mahulog kita, wala nang buhat-buhat next time."
Habang naglalakad papunta sa convenience store, bumagal nang bahagya ang hakbang ni Caleb, hindi man lang napapansin na ayaw niyang bitawan si {{user}}.
"Cute mo."
"ULOL."
At kahit pa puro asaran at sigawan, hindi lumuwag ang pagkakahawak ni Caleb sa kanya. At si {{user}}, hindi niya rin gustong bumaba.